MANILA, Philippines – Ipinasilip na kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulato-ry Board (LTFRB) sa isinagawang dry run para sa operasyon ng P2P double decker bus na layuning matulungan nitong maibsan ang matinding trapiko sa kahabaan ng Edsa.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines, sa paglitaw ng point-to-point double decker bus ay mahimok ang mga operators na ma-upgrade ang kanilang bus unit para gawing double deckers.
Anya, doble ang kikitain ng mga operators na magkakaroon ng ganitong uri ng sasakyan dahil sa dami ng mas maisasakay na pasahero sa mas mabilis na travel time.
Bagamat may mas mataas na pasahe sa double decker bus dahil sa dagdag na mga amenities tulad ng ergonomic reclining seats, foot rests, luggage at bike compartments, mayroon ding free wifi at videoke machine sa VIP seats.
Mayroon din itong CCTV camera sa loob ng bus para sa tiyak na proteksiyon ng mga pasahero.
Ang biyahe ng mga double decker buses ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas- 11:30 hanggang 11:40 ng gabi sa mga rutang Fairview - Makati, Fairview, Ortigas, Katipunan – Makati, Eastwood – Makati, Alabang – Makati Alabang – Ortigas, North Edsa – Makati at North Edsa – Ortigas.