Habambuhay sa 2 ex-cops

MANILA, Philippines – Dalawang dating pulis-Maynila na nasentensiyahan ng habambuhay ng pagkabilanggo hanggang 40 taon  kaugnay sa pang-aagaw ng gintong brace-let ng isang lalaki na nabaril nila at nasawi makalipas ang isang linggo sa pagamutan, sa Ermita, Maynila, may tatlong taon na ang nakalipas.

Hinatulang guilty ng Manila Regio-nal Trial Court Branch 20 nitong Enero 6, ang mga akusadong sina PO1 Reggie Dominguez at  PO1 Jamal Lacsaman at reclusion perpetua na may katapat na parusang 20 hanggang 40 taon.

Inatasan din ng korte ang dalawa na bayaran ng danyos ang pamilya ng biktimang si Jose Anda na umaabot sa mahigit na  P189,000 na may karagdagang 6 na porsyentong  interes mula sa araw ng promulgation hanggang sa makumpleto ang kabayaran.

Sa record ng korte, sina  Dominguez at  Lacsaman na kapwa nakasuot ng sibilyan lulan ng isang motorsiklo at nagsabwatan umano sa pagtangay ng bracelet ni Anda na nagkakahalaga    ng P25,000,  sa tapat ng isang pawnshop sa Pedro Gil, Ermita, Maynila noong Enero 25, 2013.

Pumalag  si Anda kaya  pinutukan sa kanang hita na naging sanhi ng  kanyang kamatayan makaraan ang isang linggong gamutan.

Naging testigo ang biyuda ni Anda na si Hairo Joy.

Hindi pinakinggan ng hukuman ang depensa ni Dominguez na wala siya sa pinangyarihan ng krimen dahil nasa selebrasyon siya ng kaarawan ng anak.

Sa halip, nagpabigat pa ang akusasyon ang pagiging most wanted cop ni Dominguez dahil nasangkot pa umano ito sa  serye ng holdapan sa mga turista sa Ermita.

Nadakip siya noong Hulyo 2014 ka­ugnay sa holdapan. Dati siyang  nakatalaga sa Manila Police District-station 9.

Hindi nagtagal ay nadismiss sa serbisyo dahil sa mga kasong robbery at usurpation of authority.

Show comments