Habambuhay sa 2 ex-cops
MANILA, Philippines – Dalawang dating pulis-Maynila na nasentensiyahan ng habambuhay ng pagkabilanggo hanggang 40 taon kaugnay sa pang-aagaw ng gintong brace-let ng isang lalaki na nabaril nila at nasawi makalipas ang isang linggo sa pagamutan, sa Ermita, Maynila, may tatlong taon na ang nakalipas.
Hinatulang guilty ng Manila Regio-nal Trial Court Branch 20 nitong Enero 6, ang mga akusadong sina PO1 Reggie Dominguez at PO1 Jamal Lacsaman at reclusion perpetua na may katapat na parusang 20 hanggang 40 taon.
Inatasan din ng korte ang dalawa na bayaran ng danyos ang pamilya ng biktimang si Jose Anda na umaabot sa mahigit na P189,000 na may karagdagang 6 na porsyentong interes mula sa araw ng promulgation hanggang sa makumpleto ang kabayaran.
Sa record ng korte, sina Dominguez at Lacsaman na kapwa nakasuot ng sibilyan lulan ng isang motorsiklo at nagsabwatan umano sa pagtangay ng bracelet ni Anda na nagkakahalaga ng P25,000, sa tapat ng isang pawnshop sa Pedro Gil, Ermita, Maynila noong Enero 25, 2013.
Pumalag si Anda kaya pinutukan sa kanang hita na naging sanhi ng kanyang kamatayan makaraan ang isang linggong gamutan.
Naging testigo ang biyuda ni Anda na si Hairo Joy.
Hindi pinakinggan ng hukuman ang depensa ni Dominguez na wala siya sa pinangyarihan ng krimen dahil nasa selebrasyon siya ng kaarawan ng anak.
Sa halip, nagpabigat pa ang akusasyon ang pagiging most wanted cop ni Dominguez dahil nasangkot pa umano ito sa serye ng holdapan sa mga turista sa Ermita.
Nadakip siya noong Hulyo 2014 kaugnay sa holdapan. Dati siyang nakatalaga sa Manila Police District-station 9.
Hindi nagtagal ay nadismiss sa serbisyo dahil sa mga kasong robbery at usurpation of authority.
- Latest