MANILA, Philippines – Patay ang isang 19-anyos na mass communication student nang mahulog mula sa roof deck ng isang 20-storey condominium habang nagse-selfie sa Ermita, Maynila, kamakala-wa ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Cristina Marie Pagalilauan, 3rd year sa Adamson University at residente ng Eternity St.,Compil 3, San Vicente, San Pedro, Laguna.
Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-5:20 kamakalawa ng hapon subalit itinawag sa kanilang tanggapan alas-7:00 ng gabi. Naganap ito sa Dahlia Tower, Suntrust Parkview Condominium, sa Natividad Lopez St., Ermita.
Sa imbestigasyon, bago tuluyang mahulog mula sa roof top ay nagawa pang kumapit sa window molding ng biktima na bumigay kung kaya’t dumiretso sa pagbu-lusok pababa ang biktima.
Nagtungo umano sa nasabing condominium ang biktima kasama ang ka-klaseng si Jonea Mildred Ani at doon nagkuhanan ng litrato gamit ang cellphone.
Habang nag-scan umano ang kaklase sa mga naunang shots ay umakyat ang biktima sa pader o parakeet wall dahil mas gusto niya umano na mahagip ang overlooking background.
Pinigilan umano siya ni Ani sa pangambang baka mahulog subalit mabilis umano ang pangyayari at nahulog na nga ang biktima.
Una umanong nagtu-ngo sa Unit 4, sa 4th floor ng condo ang dalawa kahit wala ang may-ari ng unit na boyfriend umano ng biktima dahil may hawak umano itong ekstrang susi. Nasa Mindanao umano ang owner ng unit.
Nagulat na lamang umano si Ani nang mahulog na ang biktima kaya nagpa-saklolo sa security guard ng condo.
Inilagak na sa Saint Rich Funeral ang bangkay ni Pagalilauan para sa awtopsiya.