MANILA, Philippines – Walang pasok sa paaralan ang mga estudyante ng lungsod ng Maynila sa Enero 9 para sa pista ng Itim na Nazareno.
Sinabi ni City of Manila Administrator Ericson Alcovendaz na walang klase sa lahat ng antas sa Sabado dahil milyung-milyong deboto ang inaasahang daragsa sa Quiapo Church.
Ilang kalsada rin ang isasara sa Maynila para sa translacion na magmumula sa Quirino Grandstand pabalik ng simbahan.
Higit 12 oras inaasahang magtatagal ang translacion na iikot sa iba’t ibang kalsada ng Maynila.
Isa ang pista ng Itim na Nazareno sa mga dinadaluhan ng mga Katoliko sa bansa.