MANILA, Philippines – Para hindi mahirapan ang mga tax payer, inanunsiyo kahapon ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña Jr., na bubuksan na ngayong araw na ito (Enero 5) ang mga satellite payment center sa 31 bara-ngay ng lungsod.
Sa halip aniyang magtungo sa Makati City Hall ang mga tax payer, simula ngayong araw na ito hanggang sa Enero 15 ng taong kasalukuyan ay maaari na lang silang magbayad ng Realty Property Tax (RPT) sa mga itinalagang satellite payment center, na nakakonekta sa Realty Tax Division, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
“Taxpayers only need to present their previous receipt when making the payment. Each transaction usually takes a maximum of four minutes, and an electronic receipt is issued immediately upon payment,” ani Peña.
Nabatid, na nag-alok ang pamahalaang lungsod ng 10% discount para sa mga magbabayad ng annual basis at 5% discount naman para sa quarterly payments.
Paalala pa rin, pag lumagpas ang buwan ng Marso ang pagbabayad ng sinumang tax payer para sa annual basis ay papatawan na ng 8% pe-nalty charge, samantalang ang magiging late naman sa quarterly payment ay may 2% na penalty charge kada buwan.