Taguig business owners bibigyan ng VIP treatment sa BOSS

 

Taguig business owners bibigyan ng VIP treatment sa BOSS

 

MANILA, Philippines – Muling padadaliin ng Taguig City ang pagpaparehis tro ng mga bago at umi ral na negosyo sa pamama­gitan ng programang Business One-Stop Shop (BOSS),  ngayong Lunes hanggang Enero 20. Sa tina­­guriang “Red Carpet Season” sa business comm nity ng Taguig, maaaring magparehistro sa  City Hall Auditorium at sa satellite office nito sa SM Aura, Bonifacio Global City.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, nais lamang nilang mabig­yan ng nararapat na ‘VIP treatment’ ang mga negos­yante na aniya ang buwis  na kanilang binabayaran ay siya ­naming ipinantutustos sa social servi­ces na mahalaga para sa mga residente  ng Taguig.

Bilang patunay, sinabi ni Cayetano na naitala ang “all-time high” na business tax collections ng lungsod para sa taong 2015.

Aniya ang malaking pagtaas na ito sa tax collections kasama na ang para sabusiness permit at licensing fees ng Taguig Business Pemits and Licens-ing Office (BPLO) ang siya ng pinakamataas  sa loob ngnakalipas na limang taon.

Kaya naman kapalit nito ay naghanda ang city go­vernment ng isang  ‘business permitting and licensing procedures’ na mabilis, maayos, at kompor­table para sa lahat ng bus ness owners.

Ipinaliwanag din niya na ang prog­ramang ito ay nagsusulong para sa pagiging bukas o pagkakaroon ng ‘transparency’ sa mga transa­ksyon sa city hall.

Show comments