Tattoo artist patay sa parak

Dead on the spot ang biktimang si Mark Hernandez, alyas Mark, naka­tira sa Brgy. 178, Marica­ban ng naturang lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Utas ang isang tattoo artist nang pagbabarilin ng isang pulis makaraang sitahin ng huli ang una kung bakit walang plaka ang mi­namaneho nitong motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Mark Hernandez, alyas Mark, naka­tira sa Brgy. 178, Marica­ban ng naturang lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib.

Nasa custody naman ng Pasay City Police ang suspek na si PO3 Harley Cervantes, na kasaluku­yang nagte-training ng Junior Leadership Course sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City at dating nakatalaga sa SWAT Team ng Pasay City Police.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-12:20 ng madaling-araw sa harapan ng isang bahay sa sa naturang lungsod.

Nabatid na minamameho ng biktima ang kanyang Racal motorcycle nang sitahin ni  Cervantes dahil wala itong plaka at kung bakit may dala itong baril.

Nagalit si Hernandez, kung kaya’t binunot umano nito ang kanyang sukbit na baril at tinangkang paputukan ang pulis.

Dahilan upang unahan naman ito ni PO3 Cervantes kung saan pinagbabaril nito ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa bersyon naman ng kampo ng biktima, minamaneho nito ang kanyang Racal motorcycle upang bumili ng pagkain at nagkataong nakatayo naman si PO3 Cervantes kung saan bigla na lamang uma­nong pinagbabaril ng pulis ang biktima ng walang dahilan, na naging sanhi  ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente, sumuko naman si Cervan­tes sa Pasay City Police na nagsabing self defense umano kaya niya nabaril ang biktima.

Show comments