^

Metro

Prusisyon ng Nazareno gagawin sa Huwebes

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag abiso ang Plaza Miranda Police Community Precinct at pamunuan ng Quiapo Church sa mga deboto ng itim na Nazareno sa pagbabago ng petsa at ruta ng thanksgi­ving procession sa Bagong Taon.

Nabatid na sa halip na Biyernes, Enero 1, gagawin na sa Huwebes, Disyembre 31 ng mada­ling araw ang thanksgi­ving procession.

Ayon kay Chief Insp. John Guiagui, hepe ng Plaza Miranda PCP, hindi idadaan sa Carlos Palan­ca ang imahen dahil sa masasagasaan nito ang mga temporary stall sa Quinta Market na under renovation sa ngayon.

Ipinasya na mula Plaza Miranda ay kakanan ang Nazareno patungong Recto sa halip na kumaliwa patungong Carlos Palanca na nakasanayan.

Aniya, si Monsignor Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, ipinasya na nilang gawin sa Huwebes ang prusisyon dahil na rin sa usapin ng seguridad.

Nagiging isyu din ang tambak ng basura at mga paputok sa kalsada matapos ang salubong sa Bagong Taon.

Nanawagan naman siya sa mga debotong sumunod sa bagong ruta. 

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

CARLOS PALAN

CARLOS PALANCA

CHIEF INSP

HUWEBES

JOHN GUIAGUI

MINOR BASILICA OF THE BLACK NAZARENE

MONSIGNOR HERNANDO CORONEL

PLAZA MIRANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with