MANILA, Philippines – Hindi na umabot sa mismong Araw ng Pasko ang paghahanda ng tatlong pamilya dahil bisperas nang masunog ang kanilang tahanan sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.
Unang nasunog dakong alas-9:00 ng umaga ang ikalawang palapag na nagsisilbing bodega, ng 3-storey apartment sa V. Mapa st., Sta Mesa, na pag-aari ng Fortich family.
Dahil sa kalumaan at yari sa light materials ay tuluyang nadamay naman ang isang bahay sa katabing compound.
Umabot lamang sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire-out alas 10:00 ng umaga.
Wala namang nasaktan dahil nakatakbo lahat papalabas ng bahay ang mga apektado.