Bebot utas sa tandem

MANILA, Philippines – Patay ang isang ginang nang tambangan ng ri-ding in tandem habang bumibiyahe sakay ng kanyang Sports Utility Vehicle (SUV) sa San Juan City, ka­hapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Cardinal Santos Medical Cen-ter ang biktimang si Susan Tan Uy, 63, residente ng 12 Mariposa St, Horse
Show Quezon City, bunsod nang tinamong tama ng bala sa ulo at leeg. 

Masuwerte namang hindi tinamaan ng bala ang kaibigan sakay ng biktima na isa ring babae na tu-       mangging ihayag ang kanyang pangalan dahil sa takot na baka balikan ng mga suspek.

Batay sa ulat ng San Juan City Police, nabatid na dakong  alas-7:30 ng umaga nang maganap ang pana-nambang sa Wilson St. Corner Ortigas Avenue sa San
Juan City.

Minamaneho ni Uy ang kaniyang kulay asul na Toyota Rav 4, na may plakang PHQ-252,  nang pagliko nito sa Wilson St.
mula Ortigas Avenue ay bigla na lang tabihan  ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo.

Kaagad pinaputukan ng lalaking angkas ng motorsiklo ang biktima bago mabilis na tumakas patungong Ortigas.

Ayon sa isang cigarette vendor na nakasaksi ng in­sidente, nakarinig sila ng apat na putok ng baril, na hindi niya kaagad pinansin sa
pag-aakalang firecrackers  lamang. Gayunman, nagulat na lang ang vendor nang nakitang sumampa sa gutter ang sasakyan ng  biktima dahil hindi na nito makontrol ang manibela ng sasakyan dahil sa tama ng bala.

Kaagad namang tinulungan ng mga bystander at isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay si Uy.

Bigo naman ang mga saksi na makilala ang mga suspek dahil naka-helmet at jacket ang mga ito.

Kaugnay nito, inatasan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Elmer Jamias si San Juan City Police officer-in-charge P/Senior Supt. Roberto Alanas na masu-sing imbestigahan ang krimen, alamin ang motibo nito at kaagad na arestuhin
ang mga suspek.

Show comments