Number coding, UVVRP suspendido

Sa traffic advisory  kahapon ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA), sinuspinde nila ang pagpapa­tupad ng UVVRP sa mga provincial buses upang pagbigyan ang mga mana­nakay na mag-uuwian sa kani-kanilang mga probinsya at doon ipagdiwang ang holiday seasons. Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Dahil sa maraming mag-uuwian sa mga probinsiya, suspendido ngayong araw na ito (Disyembre 23) hanggang sa Disyembre 29 ng taong kasalukuyan ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o  Number Coding Scheme sa mga provincial buses.

Sa traffic advisory  kahapon ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA), sinuspinde nila ang pagpapa­tupad ng UVVRP sa mga provincial buses upang pagbigyan ang mga mana­nakay na mag-uuwian sa kani-kanilang mga probinsya at doon ipagdiwang ang holiday seasons.

Inaasahang dadagsain ng mga mana­nakay ang mga  provincial bus terminal  sa ilang lugar sa Kalakhang Maynila.

Ikinatuwa naman ng ilang driver at ope­rator ng mga provincial bus ang sus­pension ng UVVRP o Number Coding sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Dahil dito, asahan pa ang pagbigat ng daloy ng trapiko kung kaya’t para sa mga motorista, asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lansangan sa Metro Manila kung saan makakadagdag pa dito ang isasagawang parada ng mga artista para sa Metro Manila Film Fes­tival (MMFF).

Show comments