Number coding, UVVRP suspendido
MANILA, Philippines - Dahil sa maraming mag-uuwian sa mga probinsiya, suspendido ngayong araw na ito (Disyembre 23) hanggang sa Disyembre 29 ng taong kasalukuyan ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga provincial buses.
Sa traffic advisory kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinuspinde nila ang pagpapatupad ng UVVRP sa mga provincial buses upang pagbigyan ang mga mananakay na mag-uuwian sa kani-kanilang mga probinsya at doon ipagdiwang ang holiday seasons.
Inaasahang dadagsain ng mga mananakay ang mga provincial bus terminal sa ilang lugar sa Kalakhang Maynila.
Ikinatuwa naman ng ilang driver at operator ng mga provincial bus ang suspension ng UVVRP o Number Coding sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila.
Dahil dito, asahan pa ang pagbigat ng daloy ng trapiko kung kaya’t para sa mga motorista, asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lansangan sa Metro Manila kung saan makakadagdag pa dito ang isasagawang parada ng mga artista para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
- Latest