MANILA, Philippines – Ipinagbawal ng pamunuan ng Cebu Pacific sa lahat ng domestic at international flights aircraft ang pagdadala ng lahat ng uri ng battery-operated personal transportation devices tulad ng nauusong ‘hoverboards’ at iba pang kahalintulad na self-balancing vehicles.
Ayon sa Cebpac, hindi nila tatanggapin ang mga nasabing kagamitan kahit ito ay i-check in o handcarried baggages dahil sa check-in counter pa lamang ang pasahero ay ipaiiwan na nila ito at hindi isasakay sa eroplano nila.
Ang hoverboards ay umaandar gamit ang malakas na uri ng lithiumion batteries na maaaring magdulot ng malaking disgrasiya sa eroplano habang ito ay nasa himpapawid dahil sa pressurized cabin ang aircraft at itinuturing itong ‘fire hazard.
Pinaalalahanan ng Cebpac ang mga pasaherong may dala ng hoverboarders na hindi nila papayagan iiwan sa kanila ‘for safekeeping’ ang nasabing self balancing vehicles.