MANILA, Philippines – Sabog ang bungo ng isang brgy. kagawad nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang minamaneho ang kanyang tricycle, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Lorenzo Saclao,41, Brgy. Kagawad ng Brgy. 56 Zone 5, ng Pavia St.Tondo.
Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan, ng MPD-homicide section naganap ang insi-dente dakong alas- 8 ng gabi sa panulukan ng Asuncion at Morga Sts., Tondo, Maynila.
Namamasada ng tricycle ang biktima sa nabanggit na lugar nang sumulpot sa kanyang likuran ang hindi nakikilalang suspek at walang habas ng binaril sa likurang bahagi ng kanyang ulo ang una.
Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente. Inaalam naman ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima.