^

Metro

Pagkidnap sa trader, napigil

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napigil ng mga security personnel ni Vice-president Jejomar Binay ang tangkang pagdukot sa isang negosyanteng Chinese sa Pasay City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay PNP lulan ng Honda City  ang biktimang si Oscar Cu, 67, ng Malate, Manila alas-10 ng umaga at habang binabagtas nito kasama ang driver na Jaime Tuanquin ang pa­nulukan ng Buendia Extension at Atang dela Rama St. nang biglang banggain ng isang Hyundai Tucson na may plakang TQQ-897.

Bumaba ang biktima upang alamin ang pinsala ng kanyang sasakyan at dito bumaba ang tatlong suspect.

Sinabihan ng mga suspect ang biktima na pumasok ito sa kanyang sasakyan dahil dito pagkapasok ni Cu ay agad namang pinasibat ng driver nito ang sasakyan, gayunman hinabol pa rin sila ng mga suspect at nakorner, dala ng takot mabilis na tumakas ang driver ng biktima at naiwan ang kanyang amo na ginulpi at pinalo pa ng baril ng mga suspect.

Tiyempo naman na na­ka­tawag ng pansin ang ko­mosyon sa mga security personnel ni VP Binay na agad na pinuntahan ang      bik­tima.

Dito naman nataranta ang mga suspect kaya naiwan ang sugatan nilang target. Tanging ang tinangay na lang ng mga ito ay ang sasakyan ng negosyante.

Mabilis namang isinu- god ng mga security ni Binay sa pagamutan ang biktima.

Narekober ang sasak­yang tinangay sa biktima sa may Bucaneg St., sa may CCP Complex.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

ACIRC

ANG

BINAY

BUCANEG ST.

BUENDIA EXTENSION

HONDA CITY

HYUNDAI TUCSON

JAIME TUANQUIN

JEJOMAR BINAY

MGA

OSCAR CU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with