MANILA, Philippines – Nanawagan kay Pangulong Noynoy Aquino ang grupo ng katutubong Bugkalot tribe ng Nueva Vizcaya, Aurora at Quirino provinces na tulungan silangan resolbahin ang problema nila hinggil sa karapatan nila sa ancestral domain.
Sa ginanap na press conference sa QC, sinabi ni Rosario Camma, Mayor ng Nagtipunan Quirino province, dapat nang mawakasan ang kanilang 15 taong paghihintay na makamit ang laan na tulong para sa kanila matapos na tanggihan ang kanilang mandated percentage mula sa bilyong pisong kita para sa diversion ng tubig mula sa Casecnan at Taan Rivers sa Pantabangan Dam na gamit ngayon bilang isang hydro-electric power plant.
Sinabi ni Camma na hanggang sa ngayon ay wala silang natatanggap na kahit sentimo mula sa kita ng operasyon ng naturang planta.
Anya, ang Bugkalot tribe ay may constitutional basis para makuha hindi lamang ang proceeds mula sa tubig at energy project na pinatatakbo ng California Energy Casecnan Water and Energy Inc. (CalEnergy) kundi maging ang compensation para sa environment damage na nilikha sa komunidad dahil sa patuloy na operasyon ng kompanya.
Sa press conference, nagpakita din ang mga katutubo ng mga litrato at film clips ng Casecnan River noong 1950s na sobrang yaman sa aqua-agriculture resources tulad ng kilalang “Ludong’’ fish.
“Ang “Ludong’’ ay madali lamang nahuhuli ng mga katribu naming dati gamit and sibat. Ngayon tuyo na ang ilog at puno lamang ng bato at pebbles “pahayag ni Camma.
Si Camma ay tumatayong overall chieftain ng Bugkalot Confederation sa Aurora, Quirino at Nueva Vizcaya na nagsabing ang Ludong fish ay may halagang P3,000 kada kilo ngayon.
“With the president’s term ending in six-months, we remain optimistic that Malacañang will heed our urgent call for justice with the hope that their “tribe’s years of anguish and pain will finally end” dagdag ni Camma.