Bawas presyo sa petrolyo, ipinatupad

Pinangunahan ng Pilipinas Shell at Petron, kung saan bumaba ng P0.70 kada litro ang kanilang kerosene, P0.50 naman kada litro sa diesel, na epektibo ngayong  alas-6:00 ng umaga. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang oil companies ngayong araw na ito (Disyembre 8).

Ang bawas presyo ay pinangunahan ng Pilipinas Shell at Petron, kung saan bumaba ng P0.70 kada litro ang kanilang kerosene, P0.50 naman kada litro sa diesel, na epektibo ngayong  alas-6:00 ng umaga.

Kung saan wala naman paggalaw sa presyo ng gasolina.

Ayon kay Ina Soriano ng Pilipinas Shell at Raffy Ledesma, ng Petron  ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman na susunod na ring mag-anunsiyo ang iba pang kompanya na may kahalintulad na halaga.

Matatandaan, na  huling nagpatupad ng bawas sa presyo noong Nobyembre 24 at nung nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike.

Show comments