Warehouse owner pupulungin vs trapiko
MANILA, Philippines – Pupulungin anumang araw mula ngayon ng Manila Police District ang lahat ng may-ari ng mga warehouse sa Binondo Maynila upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko habang papalapit ang Kapaskuhan.
Ito naman ang binig-yan-diin ni MPD Station 11 chief, Supt. Romeo Macapaz, kung saan sinabi nito isa lamang ito sa kanyang nakikitang paraan upang mabawasan ang masikip na daloy ng mga sasakyan kasabay ng pamimili ng publiko ngayong Christmas season.
Ayon kay Macapaz, isa sa mga imumungkahi niya sa mga warehouse owner ay ang pagdedeliber o pagbabagsak ng mga kalakal tuwing gabi at pansamantalang isususpinde sa araw kung saan dagsa ang mga mamimili.
Kailangan aniyang gawin ang sistema upang hindi naman umano mas-yadong masikipan ang mga mamimili lalo pa’t kaliwat kanan ang mga nagtitinda sa sidewalk.
Ang delivery ng mga truck ang isa sa mga sinisisi ng mga mamimili at motorista na nagiging dahilan ng pagsisikip ng mga daan.
Sinabi ni Macapaz, na umaasa naman siya na papabor sa kanya ang mga warehouse owner dahil para na rin ito sa kapakanan ng lahat.
Samantala, sinabi pa ni Macapaz na mas dodoble-hin nila ang paglalagay ng mga pulis sa kalsada habang papalapit ang Pasko. Aniya, mas dadami pa ang mamimili kaya’t mas dapat ang dobleng police visibility.
- Latest