^

Metro

Internet shop, hinoldap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang internet shop sa Mandaluyong City ang pinasok ng isang di kilalang holdaper saka hinoldap ang may-ari at helper nito kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Man-daluyong PNP, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng SAMJE Internet Café na matatagpuan sa 454 Boni Avenue, Brgy. New Zaniga, Mandaluyong City.

Sa reklamo kay SPO1 Orlando Villarte ng biktimang si Gensys Aguerre, nasa hustong gulang, may-ari ng naturang internet shop, may inaasikaso siya at ang kanyang helper na si Jay Alejo, nang bigla na lang pumasok ang suspek.

Nagdeklara ng holdap ang suspek sa mga biktima habang may hawak na baril.

Nasa P3,000 cash, Asus Laptop, na nagkakahalaga ng P10,000 at iba pang ma­hahalagang dokumento ang nakulimbat ng suspek.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng follow-up ope­ration ang mga awtoridad para matukoy at madakip ang kawatan na holdaper.

ACIRC

ANG

ASUS LAPTOP

ATILDE

BONI AVENUE

GENSYS AGUERRE

INTERNET CAF

JAY ALEJO

MANDALUYONG CITY

NEW ZANIGA

ORLANDO VILLARTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with