^

Metro

144 arestado sa ‘One Time Big Time Operation’ sa SPDO

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 144 kriminal ang pinagdadampot sa isinaga- wang “One Time Big Time Operation” ng pulisya sa Southern Metro Manila.

Kahapon ng umaga ay iprinisinta ni Chief Supt. Henry S. Ranola Jr., director ng Southern Police District Office  ang mga naarestong suspek.

Ayon kay Ranola, 49 sa mga ito ang sangkot sa droga, 41 ang may warrant of arrest at 54  ang sangkot sa iba’t ibang krimen. Isinagawa ang operasyon sa lungsod ng Parañaque, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, Makati, Taguig at sa bayan ng Pateros.

Nakakumpiska  ang mga awtoridad ng 56 plastic sachet na shabu, 7 baril, 1 MK 2 grenade, 1 M26 na grenade at iba’t ibang patalim.

Habang  57 motorsiklo na hinihinalang  nakaw ang nasamsam din sa isinagawang operasyon.

Karamihan sa mga na­aresto ay nasa listahan ng mga  most wanted criminals.

Ayon kay Ranola, mas lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang operasyon laban sa kriminalidad ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Pinuri naman ni Ranola ang anim na chief of police sa kanyang nasasakupan  dahil sa walang humpay na paghuli sa mga masasamang elemento.

ANG

ATILDE

AYON

CHIEF SUPT

HENRY S

LAS PI

NBSP

ONE TIME BIG TIME OPERATION

RANOLA

RANOLA JR.

SOUTHERN METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with