Social media gagamitin sa anti-drug drive
MANILA, Philippines – Gagamitin na ng QC government ang social media sa mga kampanya hinggil sa citywide anti-drug advocacy epektibo December 1.
Ang kampanya na tatawaging Dislike Drugs ay nanawagan para sa paggamit ng lokal na pamahalaan sa social media laluna sa Facebook upang mapahusay ang kaalaman at mapalawak ang kalinangan ng mga kabataan sa pagpuksa sa problema ng lunsod sa illegal drugs.
Kasama ng QC government sa pangunguna ni 3rd District Rep. Jorge “Bolet” Banal ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang kapit bisig na mapagtagumpayan ang Dislike Drugs Campaign na ilulunsad sa Quirino High School sa Proj. 3 sa darating na December 1.Matapos ang launching ay magkakaroon na ng serye ng school visitation at lectures ang mga project proponents sa ibat ibang QC high schools para resolbahin ang problema sa droga.
Ilan pa sa mga bibisitahin ang Carlos P. Garcia High School, Juan Sumulong High School, Jose P. Laurel
High School, Camp Gen. Emilio Aguinaldo High School, Quirino High School, Balara High School at Don Quintin Paredes High School sa QC.
- Latest