Sa imbitasyon ni Duterte sa senatorial slate Malaking karangalan, nakakataba ng puso —Isko

Binigyan diin ni Moreno na kailangan niya ang tulong ng lahat ng tao sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador lalo pa’t galing kay Duterte na kinikilala at ginagalang  sa Mindanao. Efigenio Toledo IV/Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Itinuturing ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na mala-king karangalan at nakakataba ng puso ang imbitasyon ni Davao City  Mayor Rodrigo Duterte na mapabilang sa senatorial slate nito para sa 2016 elections.

“Nakakatuwa po at lubos akong nagagalak sa imbitasyon ni Mayor Digong” ani Moreno.

Ang imbitasyon ni Duterte ay kasunod naman ng  deklarasyon nito ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Binigyan diin ni Moreno na kailangan niya ang tulong ng lahat ng tao sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador lalo pa’t galing kay Duterte na kinikilala at ginagalang  sa Mindanao.

Aminado si Moreno na panibagong hamon sa kanya ang pagtakbo sa pagkasenador kaya’t kailangan din niya ang tulong ng mga respetado at kilalang public servant.

Mahirap aniya ang kanyang tinatahak ngayon dahil hindi naman siya mula sa kilalang pamilya at bago  lamang pumapalaot sa national campaign.

Show comments