MANILA, Philippines – Para makatulong sa kalikasan at masolusyunan ang problema sa basura, hinikayat kahapon ni Makati City Acting Mayor Romulo ‘Kid’ Peña Jr. ang mga may-ari ng mga establisimento at residente ng lungsod na makiisa sa operasyon ng plastic waste reduction. Naglahad ang alkalde ng ilang alternatibong paraan para maiwasan ang paggamit ng plastic wares at turuan ang mga residente para kumita sa waste segregation na recyclable materials.
Ayon kay Peña pumangatlo ang lungsod sa may pinakamaraming plastic waste na nakukulekta base sa resulta na isinagawa ng 2014 Makati Waste Analysis and Characterization Study o WACS.
Pinasalamatan ni Peña ang isinasagawang random inspection sa dalawang distrito ng lungsod kada buwan sa mahigit 1,000 establishments ng mga personnel ng Plastic Monitoring Task Force sa pakikipagtulungan ng DES, Business Permits Office, Makati Health Department, Makati Action Center, Economic Enterprise Management Office at deputized enforcers mula sa mga barangays sa ilalim ng Liga ng mga Barangay.
Sa ilalim ng Executive Order No. 007, s. 2012, lahat ng supermarkets, shopping malls, department stores, restaurants, at canteens, ipinagbabawal ang pagbebenta, paggamit at pag-distribute ng plastic bags na karaniwang gamit na primary at secondary packaging materials sa kanilang dry at wet goods.