No. 1 most wanted sa Las Piñas, arestado

MANILA, Philippines – Arestado ang itinuturing na ‘top 1’ sa listahan ng mga drug personality, kamakalawa sa Las Piñas City. Sa report na natanggap ng SPDO, kinilala ang suspek na si Alejandro Mandreza, 38, binata, ng Aratiles St., BF International, Brgy. CAA ng naturang lungsod. Nakumpiska sa suspek ng mga pulis ang tatlong plas­tic sachet ng shabu. Base sa report alas-2:00 ng hapon ng madakip ang suspek sa isang anti-drugs ope­ration na isinagawa ng Las Piñas City Police sa naturang lugar. Ang suspek ay nakakulong nga­yon sa Las Piñas City Police detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at  11 ng Republic Act  9165 at itinuturing itong “top 1” sa listahan ng mga drug personality sa lungsod.

Show comments