^

Metro

Habambuhay hatol kay Jason Ivler

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habambuhay na pagka­bilanggo ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court sa tinaguriang road rage killer na si Jason Ivler, matapos mapatunayang guilty sa kasong murder sa anak ni dating Undersecretary Renato Ebarle Sr. na si Renato Ebarle Jr. noong 2009.

Sa 48 pahinang desisyon ni QC-RTC branch 84 Judge Luisito Cortez, bukod sa life imprisonment, pinagbaba­yad din ng korte si Ivler ng multang P9,124,164 milyon para sa lost earning capa­city; P143,890 para sa burial expenses; P75,000 para sa moral damages at P30,000 para sa  exemplary damages.

Base sa rekord ng korte, si Ivler, pamangkin ng folk singer na si Freddie Aguilar at dating tauhan ng US Marine ang bumaril at nakapatay sa batang Ebarle noong  Nobyembre 18, 2009 sa  Santolan Avenue, Quezon City matapos ang mainitang pagtatalo dahil sa trapiko.

Matapos ibaba ang hatol, hindi naman kinabakasan ng emosyon ang mukha ni Ivler at tinanggap naman ng pamil­yang Aguilar ang hatol ng korte.

Agad namang inutos ng korte na ilipat na si Ivler sa National Bilibid Prison.

Maluwag namang tinanggap ng mga Ebarle ang hatol.

Ani Romero Ebarle, tiyu­­hin ng biktima, ngayon ay na­­­tupad na ang kanilang pa­­ngako sa pamangkin na mabigyan ng hustisya ang na­ging kamatayan nito.

Si Ivler, 28 ay nahuli no­ong January 2010 sa bahay ng kanyang ina sa Blue Ridge A Subdivision sa QC matapos makipagbarilan sa mga ele­mento ng National Bureau of Investigation (NBI). Nasu­gatan dito si Ivler dahilan para masakote ng mga awtoridad matapos ding magtago sa batas.

Unang hinawakan ang kasong ito ni QC-RTC branch 77 Judge Alexander Balut pero binitawan ito dahil sa alegasyon ng respondent na may bias umano ito sa mga Ebarle dahil ang ama ng biktima ay isang mataas na opis­yal noon ng gobyerno.

ACIRC

ANG

ANI ROMERO EBARLE

BLUE RIDGE A SUBDIVISION

EBARLE

FREDDIE AGUILAR

IVLER

JASON IVLER

JUDGE ALEXANDER BALUT

JUDGE LUISITO CORTEZ

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with