MANILA, Philippines – Magsasagawa ngayong umaga ng pagkilos ang mga miyembro ng National Press Club (NPC) bilang pagkondena sa patuloy na kawalan ng hustisya sa mga biktima ng Maguindanao massacre noong 2009.
Nabatid na pangungunahan nina NPC President Joel Egco, NPC Vice President Benny Antiporda, ang kilos protesta ngayon alas-9 ng umaga para sa ika-6 na taong anibersaryo ng karumal-dumal na pamamaslang sa 32 miyembro ng media.
Magsisimulang magtipon ang mga mamahayag sa NPC bago magmamartsa patungo sa Mendiola.
Magkakaroon ng pagsusunog sa effigy ni Pangulong Benigno Aquino III at ang backhoe na ginamit sa pagpaslang sa mga mamahayag noong Nobyembre 23,2009 sa Maguindanao.
Kinondena ni Antiporda ang kawalan ng hustisya para sa napaslang na mga mamahayag dahil anim na taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin napaparusahan ang mga nasa likod ng massacre.