MANILA, Philippines – Patay ang isang pintor nang saksakin ng kanyang kainuman matapos umanong magkasagutan ang mga ito sa Brgy. Rosario, Pasig City kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Cornelio Laroscani, 36, at residente ng Brgy. Rosario, Pasig City, bunsod nang tinamong mga saksak ng
patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isang Johnny Segun naman ang itinuturong suspek sa krimen at pinaghahanap na ng mga awtoridad matapos na tumakas nang
maisagawa ang krimen. Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong 9:30 ng gabi nang maganap ang krimen
sa Ortigas Extension sa Brgy. Rosario.
Sinasabing nag-iinuman lamang ang dalawa nang mauwi sa pagtatalo ang masayang usapan nila. Dito na bumunot ng patalim si Segun at tinarakan ang biktima bago
tumakas.