^

Metro

Tindera patay sa salpukan ng 2 Vios

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos ang si­napit na kamatayan ng isang tindera nang mabundol ng isang kotse na unang sumalpok sa sinusundang sasakyan sa MacArthur Highway sa Caloocan City kamakala-wa ng gabi.

Nagtamo ng iba’t ibang pinsala sa katawan kabilang ang pagkaputol ng kaliwang paa ng biktimang si Carmelita Jakosalem, 55, balo, ng East Riverside, Brgy. Potrero, Malabon City.

Hawak naman ng pulisya ang mga tsuper na sina Fredel Odena, ng Taong, Guiguinto, Bulacan, tsuper ng Toyota Vios (WIQ-664) at Ronald Neri, ng No. 1 Scout Tobias St., Roxas District, Quezon City, at driver ng Toyota Vios (TXZ-719).

Sa ulat ng Traffic In­vestigation Unit ng Ca­lo­­ocan City Police, na­ga­nap ang insidente sa north­bound lane ng MacArthur Highway kanto ng Calle 4 sa tapat ng isang funeral home sa naturang lungsod dakong alas-3:12 ng madaling-araw.

Binabagtas ng dalawang sasakyan ang na-turang highway patungo sa direksyon ng Valenzuela nang mabundol ng kotse na minamaneho ni Neri ang kotse na nasa unahan na minamaneho naman ni Odena. Dumiretso ang kotse ni Neri sa bangketa at nabundol si Jakosalem.

Agad na sinaklolohan ng mga tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) ang biktima at isinugod sa Manila Central University Hospital ngunit nalagutan rin ito ng buhay dakong alas- 9:44 ng umaga.

Nakatakdang magsampa ng kaukulang kaso ang pulisya laban sa may pagkakasala matapos na mapag-aralan ang insi-dente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CALOOCAN CITY

CARMELITA JAKOSALEM

CITY POLICE

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

EAST RIVERSIDE

FREDEL ODENA

MALABON CITY

SHY

TOYOTA VIOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with