Special permits, inilarga ng LTFRB sa panahon ng APEC
MANILA, Philippines – Inilarga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang special permits para sa mga bus companies na may ruta sa Metro Manila at nais na pumasada sa mga probinsiya sa panahon ng APEC meetings.
Ito ayon kay Atty. Ariel Inton, boardmember ng LTFRB ay upang maalalayan ng mga Metro Manila buses ang dumagsang bilang ng mga pasahero na tutungo sa mga lalawigan sa panahon ng APEC na halos isang linggo.
Maraming bilang ng mga pasahero ang umuwi sa kani-kanilang probinsya ngayon dahil sa mahabang bakasyon.
Ani Inton na sa 546 buses na nagsipag aplay na mabigyan ng special permits at 352 ang naaprubahan dito.
Gayunman, ang special permits anya ay mula November 17 hanggang November 22 lamang.
Idinagdag pa nito na para mabigyang seguridad ang mga uuwing mga pasahero, patuloy ang kanilang koordinasyon sa PNP at iba pang kaalam na ahensiya ng pamahalaan para sa heighten security laluna sa mga buses.
- Latest