Pader ng 'Bahay ni Erap’ sa Maynila, gagawing ‘vegetable garden’
MANILA, Philippines – Gagawing vegetable garden o taniman ng gulay ang ilang bahagi ng pader ng tinaguriang “Bahay ni Erap” o tahanan ni Mayor Erap Estrada sa Mangga Avenue Sta. Mesa, Maynila.
Ayon kay Mayor Estrada, ang vegetable garden na ito ay aalagaan mismo ng mga maralitang residente sa naturang lugar at ang mga maaaning gulay ay mapupunta rin sa mga ito upang kanilang makain o maibenta.
Kaugnay nito ay nanawagan si Mayor Estrada sa mayayamang kapitbahay sa Sta. Mesa, at sa iba pang nakaluluwag na pamilya sa lungsod na ipagamit ang ilang bahagi ng bakod o pader ng kanilang mga bahay bilang vegetable garden ng mga maralita.
Ang malalapad na pader na ito aniya na karaniwang nakatiwangwang lang ay puwedeng gawing vertical gardens na mapagtataniman ng mga maralita ng gulay at iba pang food crops na makakain nila at puwede ring maibenta at pagkakitaan.
Inilahad niya na pinalalawak na rin ang RKG program upang isali na rin dito ang ilang nakatiwangwang na pampubliko at pribadong lugar.
Ang RKG program ay unang inilunsad ni Estrada sa Baseco community playground at sa Andres Bonifacio Elementary school sa Tondo; at sa Sta. Ana Elementary School sa Sta. Ana District, sa pakikipagtulungan ng SM Foundation - Kabalikat sa Kabuhayan at Harbest Agri-business Corporation.
- Latest