^

Metro

Tinangkang lumapit sa PICC: Raliyista, pulisya nagkagirian

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mahigit sa 200 na mga raliyista, karamihan ay mga kabataan ang nakipaggirian sa mga pulis matapos na sumugod at tinangkang makalapit sa International Media Center at Philippine International Convention Center (PICC) upang mariing tutulan ang ginaganap na pagpupulong ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa bansa.

Alas-10:45 ng umaga nang sabay-sabay na sumugod ang grupong Youth Act Now, Kabataan Partylist, National Union of Students of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines (NUSP, CEGP), Kilusang Mayo Uno (KMU), PISTON sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue at   Roxas Boulevard sa  Pasay City.

Maagap naman silang naharangan ng tauhan ng Pasay City Police, PNP Region 3 at 4-A, na tumatayong mga Civil Disturbance Management Battallion ang naturang grupo.Tumagal lamang ng 10 minuto ang girian ng dalawang grupo.

Nabatid na tinangka ng  mga raliyista na buwagin ang barikada ng mga pulis at ang nakaharang na apat na malalaking container van at mga Metro Manila Deve­lopment Authority (MMDA) plastic barrier patungo sa World Trade Center at PICC sa CCP Complex ng nasa­bing lungsod.

Dahil dito, napasugod si Philippine National Police (PNP) Chief Director Ricardo Marquez at nakipag-usap ito sa mga raliyista.

Humingi ng pang-unawa si Marquez at pinakiusapan nito ang grupo na panatili­hing matiwasay at mapayapa ang isinasagawa nilang kilos protesta. Sabay na tiniyak ni Marquez na paiiralin ng mga kapulisan ang maximum tolerance.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

CHIEF DIRECTOR RICARDO MARQUEZ

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT BATTALLION

COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES

GIL PUYAT AVENUE

INTERNATIONAL MEDIA CENTER

KABATAAN PARTYLIST

KILUSANG MAYO UNO

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with