^

Metro

Top 4 most wanted sa Caloocan, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang matagal na paniniktik, nada­kip rin ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang Top 4 Most Wanted Criminal sa lungsod na isang dating pulis sa ikinasang operasyon, kamakalawa ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ni Caloocan Station Intelligence Branch Chief, Chief Insp. Alfredo De Guzman ang nadakip na si Francisco Acebuche, 41, ng GSIS Village, Talipapa, Novaliches, Quezon City.

Nabatid na ikaapat si Acebuche sa mga pinaghahanap na kriminal sa lungsod dahil sa mga kinakaharap na kaso partikular sa iligal na droga.

Sa ulat, may ilang buwan na umanong isi­nasailalim sa surveillance operation ang suspek sa bahay nito ngunit naging madulas si Acebuche. Ito ay hanggang makatanggap ng impormasyon sa isang sibilyang asset na nagturo sa kinaroroonan ng suspek.

Dakong alas-9 ng umaga nang hindi na makapalag si Acebuche matapos na ihain sa kanya ng pulisya ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Victoriano Cabanos ng Caloocan Regional Trial Court Branch 127 sa kasong paglabag sa Section 12 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

ACEBUCHE

ACIRC

ALFREDO DE GUZMAN

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CALOOCAN STATION INTELLIGENCE BRANCH CHIEF

CHIEF INSP

DRUGS ACT

FRANCISCO ACEBUCHE

JUDGE VICTORIANO CABANOS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with