4 na miyembro ng ‘Estribo gang’, arestado

MANILA, Philippines – Nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang apat na miyembro ng ‘Estribo gang’ makaraang maaktuhang nambibiktima ng pasahero sa isang public uti­lity vehicle (PUJ) sa lungsod, iniulat kahapon.

Sa ulat kay QCPD Director P/Chief Supt. Edgardo Tinio ng Laloma Police Station, nakilala ang mga suspect na sina Joseph Aguilar, 18; Marlon Lee, 20; Marlon Caballero, 25; at Jonel Mamarinta, 23. Habang ang isa sa mga kasamahan nito ay mabilis na nakatakas at pinaghahanap na ng awtoridad.

Base sa ulat, nagpapatrulya­ ang tropa ng pulisya sa lugar, ganap na alas-6 ng gabi nang mapuna nila ang komosyon sa isang pampasaherong jeep­ney sa lugar.

Mula sa loob ng PUJ nakita ng mga operatiba  ang mga suspect na inagawan ng cellphone na Iphone 5 ang isang pasahero dito saka agad na  nagsipagtakbuhan.

Dahil dito, mabilis na rumis­ponde ang mga awtoridad at hinabol ang mga suspect sanhi ng kanilang pagkaka-aresto.

Nakapiit ngayon ang mga suspect sa PS-1 sa kasong robbery.

Show comments