MANILA, Philippines – Iniutos ni Makati City Acting Mayor Romulo “Kid” Peña Jr. sa Public Safety Department (PSD) na mag-deploy ng karagdagang 600 traffic enforcers para sa augmentation at bahagi na rin ng mahigpit na seguridad na pinatutupad ng lungsod ngayong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.
“Being the country’s financial center, Makati plays an important role in ensuring the overall success of the APEC Summit. We have the respected business leaders of Makati who will surely make significant contributions to the formulation of sound economic policies and strategies for the regional economic integration. For its part, the city government has put in place adequate measures to ensure the safety of the delegates, especially those who are billeted in Makati’s hotels,” ani Peña.
Nabatid sa alkalde, na ang 600 traffic enforcers ay bilang karagdagan para magmantina ng daloy ng trapiko at tumulong sa pagbibigay na seguridad sa mga delegado ng APEC na dadaan sa ruta ng Makati.
Kung saan kasama ang pamahalaang lungsod na dumalo sa mga pagpupulong para sa isinagawang preparasyon ng pamahalaan na may kaugnayan sa security at traffic measures.
Dahil ang ibang mga delegado ng APEC ay tutuloy sa ilang hotels na nasa hurisdiksiyon ng lungsod ng Makati.
Nabatid na buong araw ay sarado ang mga daan sa unang distrito sa Makati na simula kahapon hanggang Nobyembre 19 sa West Street, North Street at Parkway Drive (pagitan ng Makati Avenue at Ayala Avenue) sa area ng Glorietta.