MANILA, Philippines – Muling nadismaya ang publiko sa umano’y overacting na hakbangin ng gobyerno hinggil sa isinasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sanhi nang nararanasan nilang matinding bigat ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila dahil apektado na ang kanilang mga trabaho.
Sa report kahapon, umaga pa lamang ay apektado na ng matinding trapik ang CAVITEX Coastal Road sa may Bacoor hanggang Las Piñas City area.
Alas-7:00 ng umaga mula NAIA Road hanggang Roxas Boulevard patungong Maynila ay sarado na ito.
Pagsapit ng ala-1:00 ng hapon ay sunud-sunod na nagdatingan ang mga leader na dadalo sa pagpupulong ng APEC kaya muling nadagdagan ang mga isinarang lansangan.
Apektado rin ng paghinto ng trapik ang ilang bahagi ng kahabaan ng South Luzon Expressway at Skyway, na malapit sa NAIA at Villamor Air Base, Pasay at Makati City.
Dapat aniya ay pinag-aralan ng gobyerno kung paano nila mabibigyan ng maayos na seguridad ang mga delagado ng APEC na hindi maapektuhan ang kapakanan ng nakakarami.
Dahil maging ang kanilang trabaho ay apektado sa matindi at perwisyong trapik dahil sa mga isinarang daanan at karamihan sa kanila ay hindi na nakapasok.