^

Metro

Publiko dismayado uli sa trapik

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nadismaya ang publiko sa uma­no’y­ overacting na hakbangin ng gobyerno hinggil sa isinasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sanhi nang nararanasan nilang matinding bigat ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila dahil apektado na ang ka­nilang mga trabaho.

Sa report kahapon, umaga pa lamang ay apektado na ng matinding trapik ang CAVITEX­ Coastal Road sa may Bacoor hanggang Las Piñas City area.

Alas-7:00 ng umaga mula NAIA Road hang­gang Roxas Boulevard patungong May­nila ay sarado na ito.

Pagsapit ng ala-1:00 ng hapon ay sunud-sunod na nagdatingan ang mga leader na dadalo sa pagpupulong ng APEC kaya muling nadagdagan ang mga isinarang lansangan.

Apektado rin ng paghinto ng trapik ang ilang bahagi ng kahabaan ng South Luzon Expressway at Skyway, na malapit sa NAIA at Villamor Air Base, Pasay at Makati City.

Dapat aniya ay pinag-aralan ng gobyerno kung paano nila mabibigyan ng maayos na seguridad ang mga delagado ng APEC na hindi maapektuhan ang kapakanan ng nakakarami.

Dahil maging ang kanilang trabaho ay apek­tado sa matindi at perwisyong trapik dahil sa mga isinarang daanan at karamihan sa kanila ay hindi na nakapasok.

ACIRC

ANG

APEKTADO

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

COASTAL ROAD

LAS PI

MAKATI CITY

ROXAS BOULEVARD

SHY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

VILLAMOR AIR BASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with