Lola lasog sa bus

MANILA, Philippines – Lasog ang isang 66-anyos na lola matapos itong masagasaan ng isang pampasaherong bus , kamaka-lawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Perla de Luna, retiradong kawani ng gobyerno, ng Nadurata St.,  9th Avenue West Grace Park ng naturang lungsod na nagtamo ito ng matinding pinsala sa katawan.

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at nasa custody ng pulisya ang driver na si Rogelio Artiaga Jr., 53.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO3 Virgilio Menina, ng Caloocan City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi sa Northbound lane ng Mac Arthur Highway ng naturang lungsod.

Minamaneho ng suspek na si Artiaga ang isang Stella Mae Star Bus,  ( UVM-553 ) at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay hindi nito nakontrol ang preno, dahilan upang masagasaan nito ang biktima na naglalakad naman sa bangketa.

Kaagad na isinugod sa naturang ospital ang biktima ng mga rumispondeng rescue team, subalit hindi naman ito umabot ng buhay at ang driver namang si Artiaga ay nadakip ng mga pulis.

Show comments