Matapos tikitan ang mga sasakyan dahil sagabal sa daan parak kinuyog ng mga militante
MANILA, Philippines – Pormal na nagharap ng reklamo ang isang tauhan ng Pasay City police laban sa grupo ng Bayan Muna at Gabriela sa pamumuno umano ni dating Party List Representative Teddy Casino matapos siyang kuyugin ng mga ito nang tikitan niya ang mga driver ng sasakyan ng mga ito dahil nakakaabala sa daloy ng trapiko, kamakalawa sa na-turang lungsod.
Kinilala ang biktimang si PO2 Jorge Cerezo, 47, nakatalaga sa Pasay City Police Traffic Enforcement Unit.
Ang mga suspek naman ay nakilalang sina Carlo Polintan; Lowell Advincula; Edward Mamauag at sa lahat ng mga tsuper ng Bayan Muna sa pamumuno umano ni Casino at Richelda Extremadura, lider naman ng Gabriela ay kinasuhan ang mga ito ng Assault upon an Agent of a person in Autho-rity at B.P.880 (The Public Assembly Act of 1985).
Base sa sinumpaang reklamo ni Cerezo, kasama niya si PO2 Nestor Valencia na nagmamantina ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Roxas Boulevard ng naturang lungsod.
Kanyang tinikitan ang mga driver ng mga sasakyan ng mga nagpoprotesta, dahil nakakaabala aniya ang mga ito sa daloy ng trapiko sa naturang lugar.
Pagtalikod ni Cerezo ay nakarinig ito ng hindi maga-gandang salita mula sa mga nagpoprotesta, subalit hindi na lang niya ito pinansin at sumakay na sa kanyang motorsiklo.
Subalit, pinalibutan si Cerezo ng naturang grupo hanggang sa kinuyog ito at nagta- mo ito ng mga sugat sa katawan at tuhod.
- Latest