^

Metro

Biyahe ng LRT, MRT at PNR tuloy sa APEC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy at regular ang biyahe ng apat na mass train systems sa bansa sa panahon ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), layunin nilang matiyak na may alternatibong masasakyan ang publiko bunsod nang inaasahang masikip na daloy ng trapiko na daranasin sa mga lugar
na isasara dahil sa idaraos na APEC meeting

Ayon kay Metro Rail Transit (MRT) General Manager Roman Buenafe, regular train schedule ang paiiralin ng MRT-3 sa APEC 2015.

Para naman sa LRT line 1 at 2, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera na regular ang biyahe ng kanilang mga tren sa APEC week.

Ayon naman sa PNR, regular rin ang train schedule nila sa Nobyembre 17 at 20. Gayunman, sa Nobyembre 18 at 19 ay ipatutupad nila ang holiday train schedule o “every one hour” ang biyahe ng kanilang mga tren.

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa North Avenue Station sa Quezon City at sa Taft Ave­nue sa Pasay City, via Epi­fanio delos Santos Avenue (EDSA), habang ang PNR Metro Commuter Line naman ang nagkokonekta sa Tutuban sa Maynila at Calamba sa Laguna.

Ang LRT-1 ang nagko­ko­nekta sa Roosevelt Station sa Quezon City at Baclaran sa Parañaque City habang ang LRT-2 naman ay may biyaheng Santolan sa Pasig City at Claro M. Recto sa Maynila.

ACIRC

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

AYON

CLARO M

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GENERAL MANAGER ROMAN BUENAFE

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MAYNILA

METRO COMMUTER LINE

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with