Internet shops sa Quezon City, binalaan
MANILA, Philippines – Ipasasara ng Quezon City Council ang alinmang computer shops sa lungsod na makikitang may mga kostumer na mag- aaral sa loob nito sa oras ng school hours.
Ayon kay QC majority leader Councilor Bong Suntay, nakapaloob sa Ordinance no. 2163 series of 2012, na ang mga mag-aaral laluna ang mga kabataang estudyante ay pinapayagan lamang na pumasok ng Internet shops mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi at maaari lamang ang mga itong gumawa ng kanilang school projects.
Sinabi ni Suntay na muling pinaaalala ang naturang batas dahil sa sangkaterbang reklamo na natatanggap mula sa mga magulang na ang kanilang mga anak ay kanilang napag-alaman na lumiliban sa kanilang klase para lamang magpunta sa computer shops at naglalaro lamang.
Anya, bukod sa paglalaro sa mga computer shops, nagagawa din ng mga mag-aaral na pumasok sa ibang website tulad ng mga porn at violent websites. Ang mga internet shops na lalabag sa ordinansa ay may multang P2,000 sa una sa unang paglabag at kapag nag-ikatlo ay multang P5,000 bukod pa sa tuluyang ipapasara ang kanilang mga shops.
- Latest