^

Metro

MRT-3 nagka-aberya ulit

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinalubong ng paniba­gong aberya ang mga commuter ng Metro Rail Transit (MRT-3) ka­hapon ng umaga.

Pasado alas-6:00 ng umaga­ nang ianunsyo ng mga tauhan­ ng MRT-3 na limitado lamang ang kanilang operasyon o sa pagitan lamang ng North Ave­nue Station at Shaw Boulevard Station.

Dismayado naman ang mga pasahero na ang iba ay napilitan na lamang sumakay ng mga pampasaherong bus upang hindi mahuli sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho.

Ang ibang pasahero naman ay matiyagang pumila at naghintay sa pila kahit walang kasiguruhang ibinigay ang mga tauhan ng MRT-3 kung kailan maibabalik sa normal ang operasyon ng mga tren.

Lalo namang humaba ang pila sa mga istasyon pagsapit ng alas-7:50 ng umaga, nang ianunsyo ng mga tauhan ng MRT-3 na balik na sa operasyon ang mga tren nila.

Ayon naman kay Transportation and Communication­ Secretary Joseph Emilio Abaya, nagkaroon ng hairline fracture sa riles malapit sa Taft Avenue Station, na na-detect ng sis­tema.

Dahil dito, kinailangang magpatupad ng provisional service mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard lamang.

Matatandaang dumanas din ng technical glitch ang isang tren ng MRT-3 sa North Avenue Station nitong Lunes kasabay nang imbestigasyon ng Se­nado sa tunay na estado ng mass rail transit.

ACIRC

ANG

METRO RAIL TRANSIT

MGA

NORTH AVE

NORTH AVENUE

NORTH AVENUE STATION

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

SHAW BOULEVARD

SHAW BOULEVARD STATION

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with