^

Metro

Sa gagawing skyway stage 3 MAPSA at CITRA sanib pwersa sa pagbalangkas ng traffic management plan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsanib pwersa ang Pub­lic Safety Department (PSD) o mas kilala sa pangalang Ma­kati Safety Public Assistance (MAPSA) at ang Citra Central Expressway Corporation para balangkasin ang isang traffic management plan upang masolusyunan ang masikip na daloy ng trapiko habang ginagawa ang Skyway Stage 3.

Ayon kay Makati Acting Mayor Romulo “Kid” Peña, kabilang sa traffic management plan ay ang pagdagdag ng may 100 bilang ng traffic enforcers sa mga lugar na apektado ng construction site at mga lugar na matindi ang trapik.

Itatalaga ang mga ito sa tatlong shifts at sila ang magmamantina ng daloy ng trapiko sa mga lugar, na apektado ng  construction site mula Lunes hanggang Linggo at maging sa mga araw na walang pasok.

Sinabi ni Peña, na ang na­turang traffic management plan ay pinagsamang inisyatiba ng pamahalaang lungsod at ng Citra, bilang sapat na hakbangin ng dalawang tanggapan upang mabawasan ang abala nito sa publiko, lalu na sa hanay ng negosyo, habang ginagawa ang  mga infrastructure project, tulad ng Skyway Stage 3.

Paliwanag naman ng MAPSA, sa binalangkas nilang traffic management plan ng Citra ay magkakaroon ng pang­kalahatang pagbabago sa mga ruta ng paglalakbay sa Makati habang ginagawa ang Skyway Stage 3.

Kabilang sa maapektuhan ay ang  Buendia Avenue  (da­ting Gil Puyat Avenue), Chino Roces (dating Pasong Tamo), Arnaiz (dating Pasay Road), J.P. Rizal, at ang Central Business District road system, na kinabibilangan ng Paseo de Roxas, Ayala, Makati at Kala­yaan Avenues.

Kung saan ang magiging mga alternatibong ruta ng mga motorista ay ang Emilia–Malugay, Finlandia–Dela Rosa, Jupiter–Metropolitan–Kamagong/Zobel/P. Ocampo at  mababawasan aniya ang trapik sa kahabaan ng  EDSA, Osmeña Highway, President Garcia (C-5) at Roxas Boulevard,  

Base sa record ng MAPSA, tinatayang nasa 800,000 be­hikulo  ang pumapasok sa area ng Makati kada araw.

Subalit, kapag natapos na ang konstruksiyon ng Skyway Stage 3, makakaginhawa na rin ang mga motorista, dahil maraming  lansangan sa Metro Manila ang luluwag.

 

ACIRC

ANG

ATILDE

BUENDIA AVENUE

CENTRAL BUSINESS DISTRICT

CHINO ROCES

CITRA

MAKATI

MGA

NBSP

SKYWAY STAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with