^

Metro

Ayon sa kampo ni Peña Rep. Binay, ‘nagda-drama’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng kampo ni Makati City Acting­ Mayor Romulo Kid Peña, Jr., kasabay nang pagsasabing­ hindi nila papayagang sirain ang kanilang kampanya sa “Bagong Ma­kati”, transparent­ at good gover­nance sa uma­no’y kadramahang gina­gawa ni 2nd District Congresswoman Mar-Len Abigail Binay-Campos, matapos nitong ipahayag na ipinasara umano ng Makati City Hall ang kanyang tanggapan para ipagamit sa acting vice mayor ng lungsod.

Ayon sa pahayag ni Gibo Delos Reyes, acting chief ng Information and Community Relations Department (ICRD) ng Makati City Hall, madrama aniya ang naging alegasyon ni Binay hinggil na inutos umano ni Peña ang pagpapasara sa kanyang opisina sa city hall.

“It is a baseless accusation and we ask Congresswoman Binay to spare us of such drama­tics. The people of Makati know who has really done the bullying­,” pahayag ni Delos Reyes.

Sinabi nito, na pawang kasi­nungalingan ang naging aku­­sasyon ni Binay laban kay Peña.

Apparently, they still have not gotten used to the reversal of roles at City Hall. But unlike them, Acting Mayor Peña has not shown the kind of vindictiveness he had suffered at their hands when he was vice mayor and the lone member of the opposition in the city government,” dagdag pa ni Delos Reyes.

Binanggit pa nito ang uma­no’y ginagawang panggigipit at  pambu-bully ng nakaraang administrasyon ng mga Binay laban kay Peña ng vice mayor, na ito ay bukas na libro sa mga taga Makati at sa mga kawani ng city hall.

Sa naranasan aniya ni  Peña hinggil  sa lahat ng uri nang pang­gigipit  mula sa hanay ng mga Binay at alam aniya nito na kung gaano kahirap ito sa kalooban, kung kaya’t hindi kailanman nito tutularan ang ginawa ng naka­raang administrasyon, na kilala sa paninikil at panggigipit.

Ayon pa kay Delos Reyes, “bitter” aniya si Congresswo­man Binay sa desperadong hak­bangin at pahayag nito laban kay Peña. Dahil ang katotohanan aniya, mismo ito ang kusang umalis at naghakot ng kanyang mga gamit at walang kautusan si Peña na pinapa­sara ang tanggapan nito sa city hall.

 

ACIRC

ACTING MAYOR PE

ANG

ATILDE

AYON

BINAY

CITY

DELOS REYES

MAKATI CITY HALL

PLUSMN

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with