MANILA, Philippines – Makatatanggap na ng P2,000 monthly allowance ang mga public school teachers at non-teaching personnel sa Maynila.
Ito’y matapos na ipasa ng konseho ng Maynila sa 3rd reading ang ordinansa na naglalayong mabigyan ng buwanang allowance ang mga public school teachers sa mga paaralan sa lungsod.
Ayon kay Manila Vice Mayor at Presiding Officer Isko Moreno marapat lamang na mabigyan ng sapat na allowance ang mga guro para na rin sa kanilang sipag at tiyaga sa pagtuturo.
Hindi alintana ng mga guro ang kakulangan ng pasilidad mabigyan lamang ng sapat na kaalaman at suporta ang mga estudyante na nagsisikap maabot ang kanilang pangarap.
Nabatid kay Moreno na maaaring madagdagan ng P1,000 taun- taon ang monthly alowance ng mga teaching at regular non- teaching personnel basta dumaan sa city council at sa availability ng pondo.
Dagdag pa ni Moreno na sa pagdami ng mga estudyante taun-taon dapat lamang na matumbasan ng pamahalaan ang kanilang sakripisyo araw-araw sa paaralan.