Ex-Sexbomb dancer, nagdemanda vs asawa, biyenan

MANILA, Philippines – Nagsampa ng kasong sibil sa Quezon City Court ang dating Sexbomb dan-cer na si Sugar Mercado laban sa kanyang asawang si Kristoffer Jay Go.

Ang pagsasampa ng kaso ni Mercado ay para mabigyan ng court protection laban sa asawa at mga magulang nito dahil sa pang aabusong emosyonal at pisikal.

Ani Mercado, lumabag ang kanyang asawa sa Republic Act 9263 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act dahil sa palagiang pang aabuso sa kanya ng asa­wa gayundin ng mga magulang ni Go mula pa taong 2010.

Binigyang diin ni Mercado, na may mga banta rin sa kanyang buhay at ang tinanggal ang pag custody niya sa kanyang mga anak.

Ani Mercado nais din niyang maisailalim sa kanyang pangangalaga ang custody sa kanilang mga anak.

Kasama ni Mercado na nagsampa ng civil case sa QC court si  Gabriela Re­presentative Emmi De Jesus .

Kaugnay nito, nanawagan si de Jesus sa iba pang mga kababaihan na katulad ng karanasan ni Mercado na lumabas at lumaban para sa kanilang karapatan at kapakanan.

Show comments