MANILA, Philippines – Matapos ang mahigit walong oras, idineklara na ring fire under control ang isang commercial building sa Tondo, Manila.
Lumilitaw na nagsimulang masunog ang Electronics Building sa Honorio Lopez Boulevard sa Balut,Tondo ng bandang 7:39 ng umaga na umabot sa ikatlong alarma at dakong 3:13 ng hapon, nang ideklarang fire under control ang sunog.
Sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection ng Manila Fire, nagsimula sa ikalawang palapag ng gusali sa tanggapan ng Scan marine Incorporation, supplier ng iba’t ibang electronic products.
Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog, dahil maaga pa ng magsimulang umusok ang nasabing gusali at wala pang empleyado ng mga sandaling iyon.
Ayon kay Ariel Columbres, Service Engineer ng gusali posible umanong galing sa faulty electrical wiring o sa rechargeable battery o adopter ng computer nagmula ang sunog.
Napilitan na ring basagin ng mga bumbero ang bintana ng gusali para matubigan ang bawat palapag.