MANILA, Philippines – Isang matandang babae ang nasugatan matapos ang panibagong aberya sa isang tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3 kaagad na isinugod sa pagamutan ang matanda na hindi na tinukoy ang pangalan upang malapatan ng lunas.
Sinasabing, bigla na lamang huminto ang tren na sinasakyan ng biktima habang bumibiyahe pasado alas-7:00 ng umaga sanhi upang mawalan ng balanse, matumba at masugatan ang biktima.
Nang imbestigahan, natukoy na biglang na-activate ang preno ng tren dahil sa
faulty automatic train protection feature.
Nilinaw naman ng MRT-3 na nasa maayos na ang kondisyon ngayon ng biktima na nagtamo lamang ng kaunting sugat at galos sa katawan.
Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa sa Quezon City patungo ng Edsa sa Taft Ave., Pasay City at vice versa.