^

Metro

Tirador ng mga motorsiklo, nabuwag

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang nabuwag ng Caloocan City Police ang isang carnapping group sa pagkakadakip sa lider at tauhan, kamakalawa ng umaga.

Dakong alas- 7 ng umaga nang arestuhin ng mga tauhan ng Intelligence Unit ang suspek na si Elmer Montilla, 37, ng   Brgy. 30, ng naturang lungsod.

Inaresto si Montilla ha­bang naghahanap ng motorsiklong matatangay sa may 5th Avenue, Caloocan. Nakuha sa posesyon niya ang isang pick lock na gamit niya sa pagtangay at pag-istart ng motorsiklo.

Una namang naaresto ng pulisya sina Marco Carlos, 27, dating barangay kagawad; Gilbert Manansala at Tristan Wong noong Oktubre 22. Sa naturang raid, nakumpiska ang anim na motorsiklo na ninakaw ng mga suspek.

Nang isailalim sa imbestigasyon, itinuro ni Carlos si Montilla na kasamahan nila sa sindikato kaya ikinasa ang operasyon laban dito. Nagawa namang makalaya ni Carlos nang makapagpiyansa sa korte.

Sa interogasyon, sinabi ni Montilla na si Carlos ang lider ng kanilang grupo at sa kanya rin siya natuto kung paano distrungkahin ang lock ng target na motorsiklo at paandarin. Inamin rin nito na nasa apat hanggang limang motorsiklo ang kanyang natatangay sa loob ng isang linggo.

ACIRC

ANG

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

DAKONG

ELMER MONTILLA

GILBERT MANANSALA

INTELLIGENCE UNIT

MARCO CARLOS

TRISTAN WONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with