21 motorsiklo nasampolan sa ‘Mabuhay lanes’

MANILA, Philippines – Nasa 21 motorsiklo­ ang nasampolan ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos na mahatak ang mga ito sa ikalawang araw ng isinagawang clearing operation sa mga itinalagang “Christmas o Mabuhay lanes”.

Nabatid, na karamihan sa mga nahatak na motorsiklo ay naka-park mula  mga itinalagang ‘Christmas o Ma­buhay  lanes’,  na may rutang Quezon City hanggang Makati, gayundin ang rutang mula North Luzon Expressway (NLEX).

Pawang dinala na sa impounding area ng MMDA ang mga nahatak na motorsiklo na kung saan ay pagmumultahin ng hala­gang P500 ang mga may-ari.

Kamakalawa, sinimulan ang paglilinis mula sa mga nakahambalang at ilegal na nakaparadang sasakyan sa mga itinalagang Mabuhay lanes na siyang mga alternatibong ruta na dadaanan ng mga pribadong be­hikulo kung saan uma­bot sa 13 sasakyan ang na­hatak at dinala sa impounding area ng MMDA.

Layon pa rin nitong mapaluwag ang daloy ng trapiko bilang paghahanda sa panahon ng Kapaskuhan na inaasahan ang pag­dagsa ng tao sa Metro Manila para mag-shopping.

Show comments